Home OPINION MAYOR KEITH NIETO: SERBISYONG WALANG PAMUMULITIKA

MAYOR KEITH NIETO: SERBISYONG WALANG PAMUMULITIKA

2
0

SA panahon ngayong maraming mamamayan ang sawa na sa mga politikong puro pangako ngunit kulang sa gawa, nakagagaan ng loob na makakita ng mga lokal na opisyal na tunay na inuuna ang kapakanan ng kanilang nasasakupan. Isa sa mga huwarang halimbawa nito na nakita ng maram in sa Facebook ay si Keith Nieto ng Cainta, Rizal.

Habang sa ibang lugar ay kaliwa’t kanan ang reklamo laban sa mga opisyal at ahensyang tila nakalilimot sa kanilang tunay na tungkulin, sa Cainta ay makikita ang isang alkaldeng nakatuon sa serbisyong direkta at may malasakit sa tao.

Hindi perpekto ang anomang pamahalaan, ngunit kapansin-pansin ang pagsisikap ni Mayor Keith na tiyaking ang bawat proyekto at programa ay may malinaw na pakinabang sa mamamayan.

Ang tunay na sukatan ng isang pinuno ay hindi ang dami ng kanyang talumpati o ang laki ng kanyang larawan sa mga tarpaulin. Ang sukatan ay kung nararamdaman ba ng mga tao ang serbisyo.

Kapag maayos ang mga kalsada, mabilis ang tugon sa mga problema, may malasakit sa mga nangangailangan, at bukas ang tanggapan sa hinaing ng publiko, doon nasusukat ang kalidad ng pamumuno.

Ito ang dahilan kung bakit maraming taga-Cainta ang nagbibigay ng pagkilala kay Mayor Keith Nieto. Ang kanyang pamumuno ay nagpakikita na posible pa ring magkaroon ng gobyernong ang sentro ay serbisyo at hindi pulitika.

Sana lahat ng alkalde sa bansa ay ganito ang pananaw. Sana ang pangarap ng bawat mayor ay hindi kung paano mapanatili ang kapangyarihan kundi kung paano makapagserbisyo nang todo-todo sa kanilang mga kababayan. Sapagkat ang posisyon sa gobyerno ay hindi pribilehiyo kundi pananagutan.

Kapag ang isang opisyal ay inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa pansariling interes, lumalakas ang tiwala ng publiko at mas nagiging maunlad ang komunidad. Ito ang uri ng pamumunong dapat tularan — isang pamumunong nakabatay sa gawa, hindi sa salita.

Kung mas marami pang lokal na opisyal ang magkakaroon ng dedikasyon at malasakit na ipinakikita ni Mayor Nieto, mas maliwanag ang kinabukasan ng ating mga bayan at lungsod. Sa huli, ang pinakamagandang pamana ng isang lider ay hindi ang kanyang pangalan, kundi ang serbisyong iniwan niya sa kanyang mga mamamayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here