Home METRO 3 utas, 5 sugatan sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban

3 utas, 5 sugatan sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban

3
0

TACLOBAN, Philippines – Tatlong katao ang nasawi at lima ang nasugatan matapos ang pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Barangay San Jose, Tacloban City, noong Lunes ng umaga.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente bandang alas-9 ng umaga. Isa sa dalawang suspek, isang child in conflict with the law (CICL) na residente ng Barangay San Jose, ang agad na naaresto. Patuloy namang tinutugis ang isa pang suspek na nakatakas.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Tacloban City Police Office, walong katao ang tinamaan ng bala. Tatlo sa mga ito ang nasawi habang lima ang isinugod sa ospital para sa agarang gamutan.

Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang hinihintay ang abiso sa kanilang mga pamilya.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril at kung ano ang naging ugnayan ng mga suspek at mga biktima.

Nagsagawa na rin ng manhunt operation para mahuli ang ikalawang suspek. Samantala, mananatili sa kustodiya ng pulisya ang naarestong CICL at sasailalim sa mga legal na proseso alinsunod sa mga batas para sa mga menor de edad.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa isa sa pinakamalalang insidente ng pamamaril na may kaugnayan sa paaralan na naitala sa Tacloban City sa mga nakaraang taon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here