Home METRO 2 wanted sa robbery, arestado sa manhunt ng pulisya

2 wanted sa robbery, arestado sa manhunt ng pulisya

3
0

MANILA, Philippines – Naaresto na ang dalawang lalaki kabilang ang isang tricycle driver na kapwa wanted sa kasong robbery sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, unang naaresto ang 39-anyos na tricycle driver na residente ng Brgy., Coloong, Valenzuela City at kabilang umano sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Valenzuela Police Station.

Ikinasa ng mga operatiba ng Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD ang manhunt operation laban sa akusado kasunod ng natanggap nilang impormasyon hinggil sa kinaroroonan nito.

Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin ng mga pulis malapit sa kanyang tirahan sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Robbery na inisyu ng Regional Trial Court Branch 75, Valenzuela City.

Bandang alas-12:20 naman ng hapon nang makorner din sa manhunt operation ng mga operatiba ng DMFB-NPD ang 40-anyos na mister sa Oliveros St., Brgy., Isla ng nasabing lungsod.

Dinakip ang akusado sa bisa ng arrest warrant na inisyu rin ng RTC Branch 75, Valenzuela City na may petsang January 28, 2008, para kasong Robbery habang parehong may inirekomendang piyansa ang hukuman na tig-P100,000 para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here