MAYNILA — Mas lumalakas ang suporta ng pribadong sektor sa pagsusulong ng electric vehicles (EVs) sa Pilipinas matapos makiisa ang iba’t ibang automotive brands sa kampanya ng Department of Energy (DOE) para sa mas malinis at makabagong transportasyon.
Ito ang naging sentro ng ika-10 Philippine International Motor Show (PIMS) 2026 kung saan ipinakita ng mga pangunahing global automotive manufacturers ang kanilang mga pinakabagong electric mobility solutions sa World Trade Center sa Maynila.
Ayon kay Patrick Aquino, mahalagang plataporma ang PIMS upang maipakita ang mga makabagong teknolohiya na makatutulong sa pagpapabilis ng paglipat ng bansa sa mas episyente at environment-friendly na transportasyon.







