Home NATIONWIDE ‘Walang Gutom Kitchen’ inilunsad ni PBBM sa Cebu City

‘Walang Gutom Kitchen’ inilunsad ni PBBM sa Cebu City

5
0

CEBU, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng pangalawang Walang Gutom Kitchen sa Cebu City, muling pinagtibay ang commitment ng administrasyon na tiyakin na walang magugutom na filipino.

Sinamahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, nilibot ng Pangulo ang pasilidad, inobserbahan ang operasyon nito, nakiisa sa pamamahagi ng mga pagkain, at nakipag-ugnayan sa mga benepisaryo at lokal na opisyal.

Ang Cebu City Walang Gutom Kitchen ay pangalawang pasilidad na may uring ganito sa bansa, kasunod ng pagbubukas ng unang kitchen sa Pasay City noong December 2024.

Pinamamahalaan ng DSWD, ang pasilidad ay nagsisilbi bilang community-based food bank na nagbibigay ng libre, masustansiyang agahan, tanghalian araw-araw upang matukoy ang benepisyaryo at walk-in clients na nakararanas ng involuntary hunger. Ang breakfast service ay nagsisimula ng alas-6 ng umaga habang ang tanghalian ay isinisilbi simula alas-11 ng umaga.

Ang Walang Gutom Kitchen ay bahagi ng mas malawak na Walang Gutom Program (WGP) ng gobyerno, isang flagship anti-hunger initiative ng gobyerno na inilunsad noong 2023 at itinatag sa pamamagitan ng Executive Order 44 noong 2024.

Ang programa ay itinatag alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na tugunan ang food insecurity at mabawasan ang involuntary hunger sa hanay ng pamilyang filipino.

Sinabi ng DSWD na ang gampanin ng pasilidad bilang comprehensive community service hub para pagsilbihan ang mga homeless individuals at iba pang vulnerable sectors ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang access sa masustansiyang pagkain.

Isang batas ang nakabinbin ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang hangad ay patatagin ang Walang Gutom Program bilang isang permanent government program na naglalayong bawasan ang pagkagutom, suportahan ang low-income households, at palakasin ang local agricultural production. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here