Home NATIONWIDE Tacloban killings, kinondena sa Senado

Tacloban killings, kinondena sa Senado

4
0

MANILA, Philippines – Matinding kinondena ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang nangyarinng pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Tacloban City na ikinamatay ng tatlong estudyante at pito ang nasugatan sa Insidente.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na walang lugar ang karahasan sa ating lipunan lalo na sa lougar n dapat ligtas ang lahat ng bata tulad ng paaralan.

Taos-pusong nakiramay si Pangilinan  sa pamilya ng biktima.

“Mariin kong kinokondena ang pamamaril na nangyari sa loob ng paaralan. Walang lugar ang karahasan sa ating lipunan, lalong-lalo na sa mga lugar na dapat ay ligtas para sa mga bata,” giit ni Pangilinan.

Kasabay nito, nanawagan si Pangilinan nang mabilis, ganap at tamang pagpapatupad ng Juvenile Justice Law. “Hindi pwedeng pakawalan ang mga suspek kahit menor de edad. Dapat dumaan sila sa prosesong itinakda ng bata.”

“Sa ilalim din ng batas, may pananagutan ang mga magulang ng mga suspek kung naging pabaya,” ayon sa mambabatas na pangunahing awtor ng naturang batas.

Kaugnay nito, dalawang estudyante, edad 14 at 15 ang dinakip ng awtoridad na pinaghihinalaang namaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Hindi pinangalanan ang dalawang batang suspek alinsunod sa itinakda ng Republic Act 9344, or the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Inilagay naman ng Department of Education (DepEd) sa high alert ang paaralan sa lugar. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here