Home NATIONWIDE Studes nagkilos-protesta vs ‘sexual harassment’ ng mga guro sa P’que Nat’l High

Studes nagkilos-protesta vs ‘sexual harassment’ ng mga guro sa P’que Nat’l High

5
0
(c) Kabataan Partylist

MANILA, Philippines – Nagkasa ng kilos-protesta ang mga estudyante ng Parañaque National High School kasama ang mga miyembro ng Kabataan Partylist noong Lunes upang manawagan ng aksyon kaugnay ng umano’y mga kaso ng sexual harassment na kinasasangkutan ng ilang guro.

Ayon sa mga nagprotesta, matagal nang nangyayari ang umano’y pang-aabuso. Isang dating estudyante ang nagsabing nasaksihan nila ang mga umano’y hindi angkop na paghipo sa mga pagpupulong at pagtitipon sa paaralan.

Sinabi ng Parañaque Police na nagsimula na ang imbestigasyon at hinikayat ang mga complainant na makipag-ugnayan sa Women’s and Children’s Protection Desk.

“Makipag-coordinate sila sa Women’s and Children’s Protection Desk natin, kung ‘yung complainant ay willing na mag-complain andon kami,” ayon kay Parañaque Police Chief P/Col. Nicolas Piñon.

Nakipagpulong din ang ilang opisyal ng paaralan sa mga nagpoprotesta. Ayon kay School Parent-Teacher Association (SPTA) President Rene Javillonar, tutugunan ng administrasyon ng paaralan at Department of Education (DepEd) ang mga hinaing ng mga estudyante.

“Natapos na po yung meeting namin kanina at meron na pong action ang DO niyan para sa estudyante. All the victims, ginagather na po lahat ng information niyan,” ani Javillonar.

Sa pahayag ng Department of Education Parañaque Schools Division Office, agad itong nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ng mga ulat at video sa social media kaugnay ng umano’y sexual abuse.

“We wish to assure our learners, parents, personnel, and stakeholders that these allegations are being treated with the utmost seriousness, urgency, and impartiality,” ayon sa division office.

Samantala, sinabi ng Kabataan Partylist na patuloy nitong tutulungan ang mga umano’y biktima. Tatlong estudyante na umano ang lumapit sa grupo upang humingi ng tulong. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here