Home METRO 3 arestado sa pagpatay sa Koreano sa inabandonang sasakyan sa N. Ecija

3 arestado sa pagpatay sa Koreano sa inabandonang sasakyan sa N. Ecija

3
0

MANILA, Philippines – Tatlong suspek ang naaresto ng pulisya kaugnay ng pagpatay sa isang South Korean national na natagpuang walang buhay sa loob ng isang inabandonang SUV sa General Tinio, Nueva Ecija noong Hunyo 17.

Kinilala ng Philippine National Police Regional Office III ang mga naaresto na sina Aldrin Torres, Andrea Mones, at Aaron Justin Manuel. Itinuturong si Manuel ang umano’y gunman habang si Mones naman ang sinasabing mastermind sa krimen.

Ayon sa mga imbestigador, tumugma ang bala na narekober sa crime scene sa isang revolver na nakumpiska mula kay Manuel.

Kinilala ang biktima na si Shin Bongsub, 37, isang South Korean national at distributor ng Korean beauty products na naninirahan sa Angeles City, Pampanga.

Huling nakita si Shin sa Clark, Pampanga bago matagpuang patay sa Barangay Pias, General Tinio.

Lumabas sa imbestigasyon na nakatakda umanong makipagkita ang biktima kay Mones bago ang insidente. Tinitingnan din ng pulisya ang umano’y pagkakautang bilang posibleng motibo sa krimen.

Sa pamamagitan ng CCTV footage, natunton ng mga awtoridad ang ruta ng sasakyan ng biktima mula Pampanga hanggang Nueva Ecija at kalaunan ay narekober ang umano’y getaway vehicle na ginamit ng mga suspek.

Nabatid ang pagkakakilanlan ng biktima sa tulong ng Korean Embassy at ng kanyang pamilya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here