Home NATIONWIDE Unyon ng mga piloto, naghain ng notice of strike sa DOLE

Unyon ng mga piloto, naghain ng notice of strike sa DOLE

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ng notice of strike sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang unyon ng mga piloto ng AirAsia Philippines kasunod ng pagkakatanggal sa trabaho ng 90 piloto ng airline.

Naganap ang retrenchment noong Nobyembre 24 at binigyan na lamang ang mga apektadong piloto ng hanggang Disyembre 31 upang manatili sa kanilang trabaho.

Nagpahayag naman ng pagdududa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa dahilan at timing ng tanggalan.

Ayon sa TUCP, kahina-hinalang nangyari ang retrenchment isang araw bago matanggap ng mga piloto ang sertipikasyong magbibigay sa kanila ng pahintulot na magsagawa ng eleksyon para sa pormal na pagtatatag ng unyon.

Dahil dito, naniniwala ang grupo na kailangang imbestigahan kung may kaugnayan ang pagtanggal sa trabaho sa pagsusulong ng mga piloto na mag-organisa.

Sinabi naman ni AirAsia Philippines Pilot Union President Oscar Ramos Jr. na karamihan sa mahigit 200 piloto ng kumpanya ay sumapi sa unyon. Tinatayang kalahati naman ng 90 pilotong naapektuhan ng retrenchment ay mga miyembro nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here