Home NATIONWIDE Bezos: AI magdudulot ng kakulangan sa manggagawa, ‘di kawalan ng trabaho

Bezos: AI magdudulot ng kakulangan sa manggagawa, ‘di kawalan ng trabaho

3
0

ISTANBUL – Naniniwala si bilyonaryong negosyante at founder ng Amazon na si Jeff Bezos na magdudulot ang artificial intelligence (AI) ng kakulangan sa manggagawa sa halip na malawakang pagkawala ng trabaho.

Sa kanyang talumpati sa VivaTech technology fair sa Paris, tinutulan ni Bezos ang pananaw na papalitan ng AI ang malaking bilang ng mga manggagawa.

“I absolutely do not agree with that. I think artificial intelligence will create labor shortages because it will allow people to identify more problems,” aniya.

Ayon kay Bezos, hindi kakulangan sa imahinasyon ang humahadlang sa inobasyon kundi ang kakayahang maisakatuparan ang mga ideya. Marami umanong konsepto ang hindi natutupad dahil mahirap itong ipatupad, ngunit maaaring mapabilis ng AI ang prosesong ito.

“It is not our imagination that limits us, but what we are able to do,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Bezos na makatutulong ang AI upang mas maraming ideya ang maisakatuparan at mapabilis ang pagbuo ng mga bagong imbensyon.

Dumating ang kanyang pahayag habang patuloy na nagpapalawak ng pamumuhunan sa AI ang Amazon. Mula noong huling bahagi ng nakaraang taon, tinatayang nasa 30,000 trabaho na ang nabawas sa kumpanya habang pinalalakas nito ang kakayahan sa artificial intelligence.

Tinalakay rin ni Bezos ang usapin ng space exploration at iginiit na ang pinakamalaking hamon sa hinaharap ay hindi kakulangan sa demand kundi limitadong access sa kalawakan.

“We will go to the moon not only to visit, but to stay,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here