Home METRO P1.7B ismagel yosi, nasamsam sa Maynila

P1.7B ismagel yosi, nasamsam sa Maynila

3
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng ilang ahensya ng gobyerno ang tinatayang nasa P1.7 bilyong ismagel na sigarilyo sa Pier18 Vitas, Tondo, Maynila.

Sa isinagawang inspeksyon at press conference ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard (PCG) at National Tobacco Administration, nasa 24 containers ang ibinaba sa Carlos Gothong Lines Inc. sa Vitas, Tondo.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, kabuuang P1,716,000,000 o nasa mahigit-kumulang P29,900 master cases ang laman ng 24 containers van.

Dagdag pa ng NBI, dahil sa laki ng kargamento ay hindi pa batid kung magkano ang nawalang kita ng gobyerno dahil hindi naman nakadalo ang Bureau of Internal Revenue sa press conference ang naturang ahensya.

Ayon pa sa NBI, kasalukuyan nang tinutunton katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan ang isang container truck na laman ng mga smuggled na sigarilyo. 

Nagsasagawa na rin ang NBI ng imbestigasyon sa insidente kung saan mula sa 24 container van at naipuslit na umano ang isa.

Aniya, isa-isa na nilang kinukuha ang lahat ng impormasyon kung paano nakalabas ang truck na may dalang smuggled na sigarilyo tulad ng kuha ng CCTV, mga dokumento at iba pa mula sa pinanggalingan nito pribading pantapan. 

Ayon naman kay Bureau of Customs (BOC) deputy chief of staff Atty. Chris Noel Bendijo, bukod sa mga container vans, may mga naiwan din na smuggled na sigarilyo sa isang barge na sinasakya nito. 

Sinabi naman ng BOC na isinakay ang mga container van na ito sa barge mula Cebu port patungong Vitas Port kaya hindi ito dumaan sa pagsusuri ng customs Bureau.

Ang nasabing smuggled na sigarilyo ay nanggaling sa China at United Arab Emirates na ibinagsak sa Cebu saka ilalabas sana sa merkado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here