Home NATIONWIDE Panalangin, suporta sa mga naapektuhan ng insidente ng pamamaril sa paaralan sa...

Panalangin, suporta sa mga naapektuhan ng insidente ng pamamaril sa paaralan sa Tacloban, alay ng Arkdiyosesis ng Palo

3
0

MANILA, Philippines – Ikinalulungkot ng Arkdiyosesis ng Palo sa nangyaring pamamaril sa paaralan sa Tacloban, Leyte nitong Lunes, at tiniyak na iniaalay ang mga dasal at suporta sa lahat ng naapektuhan, ayon sa pahayag ni Arsobispo John Du.

“Labis na nabigla at nagluluksa ang Arkidiyosesis ng Palo sa karumal-dumal na karahasan at trahedyang pagkawala ng mga inosenteng buhay sa insidente ng pamamaril sa paaralan na nangyari sa San Jose National High School, Tacloban City,” sabi ni Du.

Sinabi ni Du na habang ipinapanalangin  ang mga biktima at nakikiramay sa kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay, kasama rin sa mga iniisip at dasal ang lahat ng naapektuhan sa isang paraan o iba pa ng trahedyang ito — ang paaralan at komunidad, ang mga pamilya ng mga estudyante, at ang lipunang humubog sa ating mga kabataan.

Ayon pa sa Arsobispo, isang hamon ang insidente para muling suriin kung paano pinalalaki ang mga bata at kung anong mga pagpapahalaga ang naituturo sa kanila. 

Sinabi ng pulisya na nakarekober sila ng 40 bala at isang police-issued firearm sa nakamamatay na pamamaril nitong Lunes sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinamatay ng tatlo at ikinasugat ng 11 iba pa.

Batay sa ulat , isa sa dalawang baril na ginamit sa insidente ay isang 9mm Glock pistol na inisyu sa isang babaeng opisyal ng Police Regional Office 8 na tiyakin umano ng Isa sa mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here