Home METRO Tacloban school shooting, pinlano ng mga suspek mahigit isang buwan bago klase

Tacloban school shooting, pinlano ng mga suspek mahigit isang buwan bago klase

4
0

TACLOBAN, Philippines – Inihayag ng pulisya na pinlano umano ng dalawang menor de edad na suspek ang pamamaril sa San Jose National High School mahigit isang buwan bago magsimula ang pasukan.

Ayon kay Police Brig. Gen. Jason Capoy, director of the Police Regional Office 8 lumabas sa imbestigasyon na nagsimula na ang pagpaplano noong Mayo 1. Nakababahala rin umano na tinalakay ng mga suspek, edad 14 at 15, ang mga probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 sa kanilang mga mensahe.

Batay sa pagsusuri ng pulisya, tila naniwala ang mga suspek na hindi sila makukulong dahil menor de edad sila. Sa ilalim ng batas, ang mga batang 15 taong gulang pababa ay exempted sa criminal liability, ngunit maaari pa ring managot kung mapapatunayang kumilos sila nang may discernment o malinaw na pag-unawa sa tama at mali at sa posibleng kahihinatnan ng kanilang ginawa.

Sa insidente, tatlong estudyante ang nasawi at 20 katao ang nasugatan, kabilang ang 15 na direktang tinamaan ng bala.

Ayon kay Capoy, ang pangunahing suspek ay umano’y naghahanap ng isang bully na target nila. Nang hindi ito matagpuan, naglakad ang mga suspek sa kahabaan ng corridor ng paaralan at nagpaputok ng baril.

Narekober sa lugar ang 40 basyo ng bala mula sa isang 9mm pistol na pag-aari umano ng isang babaeng pulis na tiyahin ng isa sa mga suspek. Ang isa pang armas na .38 caliber revolver ay nakarehistro sa isang security agency sa Cebu ngunit nasa pag-iingat umano ng lolo ng isa pang suspek na dating security guard.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong motibo ng pag-atake at kung mapapatunayang kumilos ang mga suspek nang may discernment, na maaaring maging batayan ng kanilang pananagutan sa ilalim ng batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here