Home NATIONWIDE Imbestigasyon sa pagkalunod ng 2 Ateneo players, target matapos ng NBI ngayong...

Imbestigasyon sa pagkalunod ng 2 Ateneo players, target matapos ng NBI ngayong linggo

3
0

MANILA, Philippines – Target ng National Bureau of Investigation (NBI) na matapos ngayong linggo ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga Ateneo players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, ayon kay NBI Director na si Melvin Matibag.

Sinabi ni Matibag na balak sana nilang tapusin ang imbestigasyon noong nakaraang Biyernes, ngunit may ilang personalidad na ipinatawag ng NBI na hindi pa nakakaharap dahil sa naunang mga commitment.

“We intend to finish the investigation by this week,” ani Matibag.

Ayon pa sa kanya, natapos na ng NBI ang autopsy report nina Baterbonia at Adili at ibibigay ito sa kanilang mga pamilya.

“Hopefully we can finish by this week depending on what we are investigating. Of course we also set a timeframe to do this,” dagdag niya.

Nakatakdang humarap sa NBI nitong Martes si dating Ateneo men’s basketball team head coach na si Tab Baldwin matapos niyang hindi masunod noong nakaraang linggo ang subpoena na ipinadala sa kanya.

Sinabi ni Matibag na ihahambing ng NBI ang testimonya ni Baldwin sa mga pahayag na ibinigay nito sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Biyernes.

Dagdag pa niya, ibabatay ng NBI ang magiging resulta ng imbestigasyon sa mga ebidensya at testimonya ng mga taong kanilang nakapanayam.

Sa ngayon, nakapanayam na ng NBI ang may-ari at mga empleyado ng resort sa Dipaculao kung saan nangyari ang pagkalunod, mahigit 20 kasalukuyan at dating manlalaro ng Ateneo men’s basketball team, pati mga miyembro ng coaching staff kabilang ang nagbitiw na team manager na si Epok Quimpo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here