Home NATIONWIDE Alegasyon ng tension vs Sec. Teodoro, pinabulaanan ng AFP

Alegasyon ng tension vs Sec. Teodoro, pinabulaanan ng AFP

3
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ulat na may karamihan sa kanilang mga heneral na umano’y naghahandang magsampa ng reklamo laban kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., at tinawag itong “joke” at walang batayan.

Ayon kay AFP spokesperson para sa West Philippine Sea na si Roy Vincent Trinidad, wala umanong katotohanan ang pahayag na may tensyon sa pagitan ng military leadership at ng Kalihim ng Tanggulang Pambansa.

“On the claim that the majority of generals of the AFP would be filing a similar case, that is a joke that should be laughed at and not replied to,” ani Trinidad.

“No such (tension) exists. Laugh at it. It’s a good joke,” dagdag niya.

Ang isyu ay nag-ugat sa isang reklamo laban kay Teodoro kaugnay ng umano’y perjury at falsification dahil sa kanyang reported possession ng Maltese passport. May lumabas ding pahayag na posibleng sumunod ang ilang heneral ng AFP sa reklamo.

Pero iginiit ng AFP na hindi ito papatulan at walang basehan ang mga paratang.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi nila kikilalanin ang mga “unverified allegations” na layong idamay ang institusyon.

“We will not dignify baseless and unverified allegations that seek to drag our institution into matters that are driven by personal motives,” aniya.

Dagdag pa niya, nananatiling propesyonal, disiplinado, at non-partisan ang AFP at nakatutok lamang sa kanilang mandato na depensahan ang bansa at pangalagaan ang pambansang seguridad.

“We stand by Secretary Teodoro as our Defense Secretary, and we will not dignify these claims,” dagdag pa niya.

Nilinaw rin ng AFP na walang isinasagawang “loyalty check” sa hanay ng militar at nananatiling kontrolado at propesyonal ang lahat ng unit. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here