Home NATIONWIDE House prosecutors humiling na buksan BIR docs ni VP Sara ‘for transparency’

House prosecutors humiling na buksan BIR docs ni VP Sara ‘for transparency’

7
0
TINGNAN: Natanggap ng Senado, sa pamamagitan ng Clerk of Court ng Impeachment Court, ang higit 30-pahinang Answer Ad Cautelam mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte bandang alas-5:49 ng hapon, Lunes, Hunyo 23. Ayon sa dokumentong isinumite, nilabag umano ng ikaapat na articles of impeachment ang one-year bar rule sa ilalim ng Section 3, Article XI ng 1987 Konstitusyon kaya nararapat umanong ibasura ang reklamo. (Via Cesar Morales)

MANILA, Philippines – Humiling ang House prosecutors sa Senate impeachment court na payagan silang buksan ang selyadong Bureau of Internal Revenue (BIR) records box na ipinadala sa Senado bilang bahagi ng impeachment records sa kaso laban kay Vice President Sara Duterte.

Nagpadala ang prosekusyon sa Senado ng Manifestation with Proposal on Certain Additional Pre-Trial Matters na inihain bilang bahagi ng nagpapatuloy na paghahanda para sa impeachment trial sa Hulyo 6.

Iginiit nila na hindi nila hinihiling sa korte na awtomatikong tanggapin ang mga dokumento sa kahon bilang ebidensya.

Ang nais umano nila ay isang supervised inventory ng mga laman nito at payagan ang prosekusyon at depensa na makapaghanda.

“The proposal is one of transparency and trial management, not admissibility,” sinabi pa ng prosekusyon.

Ayon sa filing, tinukoy ng kapwa partido ang BIR-related records bilang kanilang reserved documentary evidence, at nararapat lamang na matukoy sa unang bahagi ng proseso ang mga dokumento na magiging available sa impeachment court.

Sa pahayag, iginiit ng prosekusyon na “opening the box under the court’s supervision would help avoid future disputes, promote transparency, and facilitate the orderly presentation of evidence once trial begins.”

Sinabi pa ng panel na ang inventory ng mga laman ng kahon ay hindi magkakaroon ng ruling sa kanilang authenticity, relevance, admissibility, o evidentiary value.

Ang mga tanong na ito, ayon sa prosekusyon, ay mananatiling ‘subject’ sa future rulings ng impeachment court kung ang mga dokumento ay pormal na iaalok sa paglilitis.

“Rather than interrupt trial proceedings later to determine what records are contained in the sealed package, it is more efficient to clarify these matters during pretrial,” sinabi pa sa filing.

Ang BIR box, anila, ay bahagi na ng impeachment records na ngayon ay nasa kustodiya ng Senate impeachment court, at ang inventory na nasa ilalim ng pangangasiwa nito ay magbibigay-daan sa dalawang partido ng pantay na access sa impormasyon sa nilalaman ng kahon.

Dagdag pa ng prosekusyon, ang hiling ay bahagi ng hakbang para padaliin ang proceedings at maiwasan ang posibleng delay bago pa ang paglilitis.

Inaasahang ikokonsidera ng impeachment court ang proposal bilang bahagi ng nagpapatuloy na pretrial conference process. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here