Home HOME BANNER STORY Peso, humina pa sa ₱63.72 kada dolyar

Peso, humina pa sa ₱63.72 kada dolyar

1
0

MANILA, Philippines – Muling humina ang piso kontra dolyar nitong Biyernes matapos magsara ang linggo sa halagang ₱63.72 kada isang dolyar.

Bumaba ito ng dalawang sentimo mula sa ₱63.70 kada dolyar noong Huwebes.

Ayon kay UnionBank chief economist Ruben Carlo Asuncion, nanatiling mataas ang demand sa dolyar kaya humina ang piso.

Pansamantala pa umanong umabot sa ₱63.94 ang palitan bago bahagyang bumawi sa pagtatapos ng kalakalan. Ipinapakita rin ng mas mataas na trading volume ang patuloy na pressure sa piso.

Sinabi ni Asuncion na maaari pang manatiling mahina ang piso dahil sa paglakas ng dolyar at kawalan ng katiyakan sa susunod na hakbang ng US Federal Reserve o Fed sa polisiya nito sa interes.

Maaari ring makaapekto sa kumpiyansa ng merkado ang paghina ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, bagama’t posibleng magkaroon ng bahagyang pag-stabilize matapos ang sunod-sunod na pagbaba ng halaga ng piso. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here