Home NATIONWIDE PBBM ‘heartbroken’ nang mabalitaan pamamaril sa paaralan sa Tacloban

PBBM ‘heartbroken’ nang mabalitaan pamamaril sa paaralan sa Tacloban

2
0

MANILA, Philippines – HEARTBROKEN ang naramdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang mabalitaan nito ang nangyaring pamamaril ng dalawang menor de edad sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Sa press briefing sa Malakanyang. sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi na katanggap=tanggap ang mga mararahas na nangyayari sa bansa lalo na’t kabataan ang nasasangkot.

“Noong nabalitaan nga po ng Pangulo (Marcos) iyong nangyari sa Tacloban ay heartbroken, masasabi natin, ang naramdaman ng Pangulo dahil mga bata ang lumalabas na kaya na gumawa ng krimen, kayang magplanong gumawa ng krimen, at mga inosenteng mga kabataan din ang nabibiktima,” ayon kay Castro.

Kaya, mas maganda aniya ngayon na mapakita talaga kung paano inaalagaan ang mga kabataan.

“At hindi po siguro nararapat na isantabi o hindi pansinin ang mga ganitong pangyayari,” ani Castro sabay sabing “So, iniuutos din po ng Pangulo ang agarang pag-determine ano ang nagiging ugat nito, maliban po sa nakita ng Pangulo na may kinalaman ang ibang mga gaming apps na marahas.”

“So, dapat makita po talaga kung saan nagmumula ito, kung nagkakaroon ba ng panggagaya, nagiging para bang normal ang ganitong klase na karahasan,” ang sinabi pa rin ni Castro.

“So, iyon po, ipinag-uutos po ng Pangulo ang lahat ng dapat na gawin ng mga concerned agencies para po maiwasan ang mga ganitong klaseng karahasan lalung-lalo na sa eskuwelahan, sa mga kabataan,” ang dagdag na pahayag ni Castro.

Sa ulat, inisa-isa naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga ginawang pag-atake sa mga eskuwelahan.

Una na rito ay ang pag-atakeng pinlano ng 14-year old na estudyante sa Tolosa, Leyte kung saan para sa iba ay maaaring ituring na copycat crime kasunod ng Tacloban school shooting.

Idagdag pa ang insidente ng pananaksak sa San Carlos City na kinasasangkutan naman ng isang Grade 9 at Grade 10 student.

Isang nakalulungkot na halimbawa rin ang pagpatay sa isang senior na napagtripan at binugbog ng anim na menor-de-edad na tila wala ng takot sa batas. Isa ring PWD ang pinatay sa gulpi ng mga kabataan. Pinakamasakit marinig ang kaso ng 6-anyos na ni-rape umano ng grade 2. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here