Home NATIONWIDE Marcoleta, Cayetano at 18 ex-bodyguards isinama sa reklamong cyberlibel ni Trillanes

Marcoleta, Cayetano at 18 ex-bodyguards isinama sa reklamong cyberlibel ni Trillanes

2
0

MANILA, Philippines – Isinama na rin ni dating Senator Sonny Trillanes sina Senators Alan Peter Cayetano at Rodante Marcoleta na sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes ng hapon, Hunyo 25.

Sa panayam kay Trillanes, ang inihain reklamong cyberlibel laban kina Marcoleta at Cayetano kasama ang 18 ex bodyguards ni dating Rep. Zaldy Co ay kaugnay sa isinagawang Blue Ribbon Committee hearing na aniya ay wala silang parliamentary immunity.

Giit pa ng dating senador, inulit ng mga ex-bodyguards ang ginawa nilang kasinungalingan na nagbigay sila ng male-maletang pera sa kanya para sa International Criminal Court (ICC).

Ayon pa kay Trillanes, sila Marcoleta at Cayetano ang nanguna o nagpursige na matuloy ang nasabing pagdinig.

Malinaw din aniya na wala nang saklaw si Marcoleta dahil napalitan na siya bilang komite ng BRC kaya hindi na sila ang legal na komite.

“Itong mga 18 bodyguards na ito, habang patuloy silang nagpapagamit sa political backers nila –may kakaharapin silang consequences,” ani Trillanes.

Samantala, sinabi ni Trillanes na ang mga na unang reklamo na cyberliber libel at perjury laban sa 18 ex bodyguards noong Marso 2026 ay submitted for resolution na o dedesisyunan na ng DOJ. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here