MANILA, Philippines – Dalawang indibidwal ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong jeepney na biyaheng Divisoria-Baclaran, nitong Lunes, Oktubre 12.
Sa inisyal na impormasyon, ang isang biktimang lalake ay naglalakad lamang habang ang isa pang sugatan ay babaeng senior citizen na pasahero matapos mawalan umano ng preno ang jeep.
Ayon sa ulat, sinasabing mabilis ang takbo ng driver at nawalan ito ng preno dahilan para mabangga nito ang tumatawid na lalake.
Bukod dito, nagtuloy-tuloy ang jeep sa lamp post sa intersection o halos tapat lamang ng Binondo Church.
Agad namang tumugon ang mga nakatalagang MTPB enforcer sa lugar kung saan napigilan ang driver sa posibleng pagtakas.
Dumating din ang mga awtoridad para sa imbestigasyon habang isinugod ng ambulasya ang sugatang biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden