MANILA, Philippines – Nagdeklara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga special non-working day sa 18 bayan at limang lungsod sa iba’t ibang rehiyon ng bansa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na residente na makilahok sa iba’t ibang pagdiriwang, kabilang ang mga anibersaryo ng pagkakatatag, paggunita sa kabayanihan ng isang martir, mga kapistahan, at anibersaryo ng pagkakatatag ng mga lungsod.
Sa Rehiyon I (Ilocos Region), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1531 na special non-working day ang Disyembre 9, Miyerkules, sa Bayan ng Burgos, Ilocos Norte, bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 1535, idineklara namang special non-working day ang Disyembre 14, Lunes, sa Bayan ng Aringay, La Union, bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito. Inilipat ang pagdiriwang mula Disyembre 13 dahil tumapat ito sa araw ng Linggo.
Sa pamamagitan naman ng Proclamation No. 1542, idineklara ang Disyembre 11 bilang special non-working day sa Bayan ng Pugo, La Union, bilang pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1543, idineklara ang Disyembre 2, Miyerkules, bilang special non-working day sa Bayan ng Gregorio del Pilar, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan at pagkamatay ni Heneral Gregorio del Pilar.
Idineklara rin sa ilalim ng Proclamation No. 1550 ang Disyembre 23, Miyerkules, bilang special non-working day sa Bayan ng San Quintin, Pangasinan, bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito at ng Panagparabor Festival.
Sa Rehiyon II (Cagayan Valley), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1537 ang Disyembre 18, Biyernes, bilang special non-working day sa Lungsod ng Tuguegarao, Cagayan, bilang pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang lungsod (Charter Anniversary).
Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 1545, idineklara ang Disyembre 15, Martes, bilang special non-working day sa Bayan ng Amulung, Cagayan, bilang pagdiriwang ng Aldaw ti Amulung.
Sa Rehiyon III (Central Luzon), sa lalawigan ng Bulacan, idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1536 ang Disyembre 17, Huwebes, bilang special non-working day sa Lungsod ng Baliwag bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang lungsod.
Sa ilalim naman ng Proclamation No. 1541, idineklara ang Disyembre 10, Huwebes, bilang special non-working day sa Lungsod ng Meycauayan bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa Rehiyon IV-A (CALABARZON), sa lalawigan ng Batangas, idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1534 ang Disyembre 16, Miyerkules, bilang special non-working day sa Bayan ng Malvar bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa ilalim naman ng Proclamation No. 1548, idineklara rin ang Disyembre 16, Miyerkules, bilang special non-working day sa Bayan ng Calatagan bilang pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Idineklara rin sa ilalim ng Proclamation No. 1540 ang Disyembre 1, Martes, bilang special non-working day sa Bayan ng Cainta, Rizal, bilang pagdiriwang ng Sumbingtik Festival at anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa Rehiyon IV-B (MIMAROPA), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1533 ang Disyembre 15, Martes, bilang special non-working day sa Bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, bilang paggunita sa ika-82 anibersaryo ng paglaya ng Isla ng Mindoro mula sa pananakop ng mga Hapones.
Sa Rehiyon V (Bicol Region), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1530 ang Disyembre 7, Lunes, bilang special non-working day sa Bayan ng Virac, Catanduanes, bilang pagdiriwang ng Kaaldawan nin Virac.
Sa Rehiyon VIII (Eastern Visayas), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1544 ang Disyembre 3, Huwebes, bilang special non-working day sa Bayan ng Palompon, Leyte, bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa Rehiyon IX (Zamboanga Peninsula), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1539 ang Disyembre 23, Miyerkules, bilang special non-working day sa Bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte, bilang pagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 1546, idineklara ang Disyembre 19, Sabado, bilang special non-working day sa Bayan ng Diplahan, Zamboanga Sibugay, bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa Rehiyon XI (Davao Region), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1528 ang Nobyembre 25, Miyerkules, bilang special non-working day sa Bayan ng Maragusan, Davao de Oro, bilang pagdiriwang ng ika-49 na anibersaryo ng pagkakatatag nito o Araw ng Maragusan.
Sa Rehiyon XII (SOCCSKSARGEN), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1529 ang Disyembre 4, Biyernes, bilang special non-working day sa Bayan ng M’lang, Cotabato, bilang pagdiriwang ng Kawayanan Festival.
Sa lalawigan ng South Cotabato, idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1538 ang Disyembre 23, Miyerkules, bilang special non-working day sa Bayan ng Sto. NiƱo, bilang pagdiriwang ng ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag nito at ika-27 Hinublag Festival.
Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 1547, idineklara ang Enero 11, Lunes, bilang special non-working day sa Lungsod ng Koronadal bilang pagdiriwang ng ika-87 anibersaryo ng pagkakatatag nito at ng 2027 Koronadal Hinugyaw Festival. Inilipat ang pagdiriwang mula Enero 10 dahil tumapat ito sa araw ng Linggo.
Sa Cordillera Administrative Region (CAR), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1532 ang Disyembre 11, Biyernes, bilang special non-working day sa Bayan ng Tuba, Benguet, bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa Negros Island Region (NIR), idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1549 ang Disyembre 23, Miyerkules, bilang special non-working day sa Lungsod ng Bayawan, Negros Oriental, bilang pagdiriwang ng ika-26 na anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang lungsod (Charter Anniversary).
Nilagdaan ni Executive Secretary Ralph G. Recto ang lahat ng nasabing Proclamation noong Nobyembre 23, sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo. (KRIS JOSE)