MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Miyerkules na namonitor nila ang isang Chinese H-6 bomber na lumipad sa layong 45 nautical miles mula sa baybayin ng Pilipinas at 170 nautical miles naman mula sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi naman dapat ikabahala ang presensiya ng naturang sasakyang panghimpapawid, bagama’t inilarawan niya ito bilang tila pagpapakita ng puwersa ng China.
Wala rin umanong nakitang ebidensiya ang AFP na nagsasagawa ang bomber ng pagsasanay para sa missile strike.
Sinabi rin ni Trinidad na dati nang namonitor ang mga katulad na pagpapatrolya ng mga Chinese bomber sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. RNT/MDS