MANILA, Philippines – Naitala ang pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng Mayon Volcano nitong Huwebes ng gabi habang nagpapatuloy ang effusive eruption nito sa ika-172 magkakasunod na araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan ang lava effusion mula alas-7:14 ng gabi hanggang alas-9:22 ng gabi at mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-10:50 ng gabi.
“Effusive eruption at Mayon Volcano continues for the 172nd consecutive day, generating incandescent lava flows, pyroclastic density currents (PDC) or “uson”, and rockfalls,” the PHIVOLCS said.
Nananatili ang Alert Level 3 sa bulkan at muling iginiit ng PHIVOLCS na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone. Santi Celario