Home SPORTS Brazil, na-upsent ng Pilipinas sa Beach Handball Worlds

Brazil, na-upsent ng Pilipinas sa Beach Handball Worlds

3
0

Naitala ng Philippine Women’s Beach Handball Team ang isa sa pinakamalalaking upset sa kasaysayan ng sport matapos talunin ang three-time world champion na Brazil sa 2026 Women’s Beach Handball World Championships sa Zagreb, Croatia.

Malakas ang naging simula ng Brazil matapos dominahin ang unang set, 26-14, at mistulang papunta na sa madaling panalo ang powerhouse squad.

Ngunit bumawi ang Filipinas sa ikalawang set sa pamamagitan ng matatag na depensa at maagap na opensa upang agawin ang panalo, 23-22, at maipuwersa ang shootout.

Sa shootout, nanatiling kalmado ang Philippine team at naungusan ang Brazil, 7-6, upang makumpleto ang makasaysayang panalo.

Dahil sa tagumpay, nananatiling buhay ang tsansa ng Pilipinas na makapasok sa quarterfinals ng torneo.

Susunod na haharapin ng Filipinas ang Greece at Norway, kung saan kailangan nilang talunin ang isa sa dalawang koponan upang makapasok sa Final Eight. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here