Home NATIONWIDE Pagbabantay sa border paiigtingin ng Bacolod kontra ASF

Pagbabantay sa border paiigtingin ng Bacolod kontra ASF

2
0

MANILA, Philippines – Maglalatag ng 13 checkpoint sa mga boundary ng Bacolod City bilang preventive measure laban sa African Swine Fever (ASF).

Maglalagay din ng checkpoint ang lungsod sa mga pantalan maging sa Bacolod Silay Airport, upang masigurong walang mga karne mula sa mga lugar na kumpirmadong may kaso ng ASF ang makakapasok.

Agad naman na ililibing ang mga produkto ng karne na makukumpiska sa mga checkpoint.

“Imported frozen good, local and imported bawal ‘yan, especially from red zones,” sinabi ni Dr. Janine Sarthou, Assistant City Veterinarian ng Bacolod City.

Sinabi naman ni Dr. Ryan Janoya, pinuno ng Animal Health and Meat Inspection Services Division ng Negros Occidental Provincial Veterinary Office, na ang mahigpit na biosecurity measures ang isa sa pinakamabisang paraan para labanan ang pagkalat ng ASF.

“Number 1 talaga nating weapon is ang strict na biosecurity measures sa ating mga respective farm. And also nag-distribute naman ang Provincial Vet Office ng mga disinfectants to aid sa ating mga raisers,” ani Janoya.

Sa datos mula sa Provincial Veterinary Office (PVO), mayroong 1,213 baboy ang namatay sa Negros Occidental mula Mayo hanggang Hunyo 22, 2026.

Ibinahagi ng PVO ang datos matapos ang kumpirmadong kaso ng ASF sa probinsya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here