Home METRO Bahagi ng 999 mall sa Divisoria, nasunog

Bahagi ng 999 mall sa Divisoria, nasunog

5
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang kilalang mall sa Divisoria nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 26.

Hindi na naisalba pa ng mga negosyante ang karamihan sa mga paninda rito.

Sa paunang ulat, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng mall alas-10 ng gabi at tuluyang naapula alas-3 ng madaling araw na ng Sabado.

Wala nang nagawa ang mga negosyante at tindera o tindero sa nasusunog nilang mga paninda dahil hindi na sila pinayagang pumasok sa gusali matapos silang tumakbo palabas ng mall.

Ayon sa isang negosyante, nag-aasikaso sila ng mga order nang may naamoy itong nasusunog na plastic.

Pagtingin aniya nito ay nakitang makapal na ang usok kaya agad-agad silang tumakbo na halos hindi na rin sila makalabas dahil sa kapal na ng usok at wala na silang nakikita.

Dahil sa kapal ng usok, kinailangang basagin ng mga bumbero ang salamin upang mas mabilis na makalabas ang usok.

Bukod dito ay gumamit din ng thermal scanner para matiyak na makita kung saan pa ang nasusunog na bahagi ng mall.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

Sinabi ni FSInsp. Ronald Lim, Station 1 Commander ng BFP Manila, na maliit na bahagi lamang ang nasunog at hindi ang buong mall kaya mga tatlong araw lamang ay balik operasyon na ang mall maliban sa pinagmulan ng sunog.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng mall matapos ang isinagawang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here