Home NATIONWIDE Mga serbisyo ng SSS, inilapit sa Palengke Caravan

Mga serbisyo ng SSS, inilapit sa Palengke Caravan

7
0

MANILA, Philippines – Inilapit ng Social Security System (SSS) sa mga miyembro at magiging miyembro nito ang iba’t ibang serbisyo sa pamamagitan ng SSS Palengke Caravan na isinagawa sa New Legazpi Public Market sa Old Albay District nitong Biyernes.

Layunin ng programa na gawing mas madali at mas mabilis ang pagproseso ng mga transaksyon ng mga market vendor, self-employed, informal sector workers at walk-in clients nang hindi na kailangang pumunta sa SSS branch office.

Ayon kay SSS Legazpi Branch Regional Communications Officer Jeanette Mapa, sabay-sabay na isinagawa ang Palengke Caravan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang walong lokasyon sa Bicol.

“The primary goal of the Palengke Caravan is to bring our services closer to our members. They no longer have to visit our office because we are the ones reaching out to them, making our services faster and more convenient,” ani Mapa.

Sinabi rin niya na bagama’t matagal nang isinasagawa ang SSS e-Wheels Caravan, nakatuon naman ngayong taon ang kampanya sa mga pampublikong pamilihan upang mas maraming manggagawa sa informal sector ang maabot.

Kabilang sa mga serbisyong inilaan sa caravan ang pagkuha ng SSS number, pag-update ng membership records, beripikasyon ng kontribusyon, pagbuo ng Payment Reference Number (PRN), tulong sa loan application, pagpaparehistro sa My.SSS at iba pang frontline services.

Pinuri naman ni Legazpi City resident na si Ding Aycocho, 65, ang programa dahil mas napadali ang pagproseso ng kanyang transaksyon.

“It’s a good initiative because SSS is the one reaching out to the people. It makes it easier for us to process what we need compared to going to the branch office,” aniya.

Hinikayat din ni tricycle driver na si Jomar Arganda ang mga hindi pa miyembro ng SSS na magparehistro upang mapakinabangan ang mga benepisyo nito sa hinaharap.

Ayon kay Mapa, ito ang kauna-unahang market-based outreach activity ng SSS Legazpi Branch, at nakatakda pang magsagawa ng Palengke Caravan sa Daraga sa Oktubre at sa Ligao City sa Nobyembre.

Nanawagan din ang SSS sa lahat ng manggagawang Pilipino na maging aktibong miyembro at ipagpatuloy ang pagbabayad ng kanilang kontribusyon upang maging kuwalipikado sa mga benepisyo tulad ng sickness, maternity, disability, unemployment, retirement, funeral at death benefits. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here