Home NATIONWIDE Baterbonia family binigyan ng condo unit sa Davao ng NHA

Baterbonia family binigyan ng condo unit sa Davao ng NHA

4
0

MANILA, Philippines – Ang pamilya ng yumaong Ateneo de Manila University Blue Eagles cager Rene Clert “Bobet” N. Baterbonia ay nakatanggap ng condominium unit na nagkakahalaga ng P2.266 milyon mula sa National Housing Authority (NHA) bilang tulong sa pabahay.

Ayon sa NHA ang unit ay matatagpuan sa Madayaw Residences sa kahabaan ng Sierra Madre Road sa Bangkal, Davao City.

Sinabi ni Agusan del Sur Gov. Santiago Cane Jr. na nakipag-ugnayan sa kanya ang NHA sa ngalan ng pamilya Baterbonia at ipinaalam sa kanya na naaprubahan ang grant sa direktiba ni NHA General Manager Joeben A. Tai.

Kaugnay nito binisita ng mga kinatawan ng NHA Region XIII ang pamilya Baterbonia noong Biyernes ng hapon para pormal na i-turn over ang pagmamay-ari ng condominium unit.

Damantala pinirmahan ni Rovelyn Baterbonia, ina ni Rene, ang mga dokumento na nagpapatunay sa pagmamay-ari ng pamilya sa condominium unit.

Ang pamilya ay nanirahan nang higit sa 20 taon sa isang ancestral house na minana mula sa mga magulang ng ama ni Bobet.

Matatagpuan ang bahay sa isang lugar na madalas bahain, kaya pinipilit ang pamilya na lumikas sa isang simbahan sa tuwing nagdudulot ng pagbaha ang malakas na ulan.

Bago siya namatay, ipinahayag ni Baterbonia ang kanyang nais na ilipat ang kanyang pamilya sa Davao City upang mapangasiwaan ng kanyang ina ang pag-aaral ng kanyang bunsong kapatid.

Ang tulong sa pabahay ay pinadali sa pamamagitan ng NHA, na may suporta mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Sur, Office of Gov. Cane, Local Government Unit ng Talacogon, at iba pang mga katuwang.

Inihayag din ni Cane na ang Home Suite ng CLC Marketing Ventures Corp. ay nakatuon sa pagbibigay ng kasangkapan para sa condominium unit.

Nagpasalamat ang gobernador sa mga opisyal ng NHA sa Butuan City, sa pangunguna ni Regional Director Erasme G. Madlos, gayundin sa mga pribadong donor na nagpaabot ng tulong sa pamilya Baterbonia.

Si Baterbonia ay isang promising basketball player mula sa Talacogon, Agusan del Sur na nalunod habang nagsasanay kasama ang mga teammates sa isang beach resort sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here