Home TOP STORIES DERMALOG, nagpasalamat sa suporta sa digitalisasyon ng mga serbisyo sa transportasyon

DERMALOG, nagpasalamat sa suporta sa digitalisasyon ng mga serbisyo sa transportasyon

4
0

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang DERMALOG Identification Systems GmbH sa

sambayanang Pilipino dahil sa kanilang tiwala, pakikiisa, at patuloy na paggamit ng

Land Transportation Management System o LTMS.

Sinabi ng Dermalog na malaking tulong ang LTMS sa pagsisikap ng pamahalaan na gawing moderno at digital ang mga serbisyong may kaugnayan sa transportasyong panlupa. Sa pamamagitan ng isang integrated digital platform, napapadali ang mga transaksiyon, mas nagiging accessible ang mga serbisyo, napapalakas ang seguridad ng mga dokumento, at naitataguyod ang mas malinaw at responsableng proseso sa pamahalaan.

Ikinararangal ng DERMALOG na naibahagi nito ang teknolohiya at technical expertise sa isang proyektong araw-araw na nagsisilbi sa milyon-milyong motorista at iba pang sektor na may kaugnayan sa transportasyong panlupa sa buong Pilipinas.

Ayon sa kumpanya, hindi lamang makabagong teknolohiya ang kailangan para magtagumpay ang digital transformation. Mahalaga rin ang tiwala, pasensiya, pakikiisa, at aktibong paggamit ng publiko sa sistema.

“We are deeply grateful to the Filipino people for their trust and support for the LTMS,” pahayag ni Günther Mull, CEO ng DERMALOG Identification Systems GmbH.

“Technology can only deliver meaningful results when people are willing to adopt and use it. The participation of Filipino citizens has been essential to advancing the

digitalization of land transportation services.”

Kinilala rin ng DERMALOG ang pagsisikap ng mga ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas, mga kawani ng gobyerno, technical teams, at iba pang stakeholders na tumulong sa pagbuo, pagpapatupad,

at patuloy na operasyon ng LTMS.

“Their dedication has helped translate technology into public service,” dagdag ni Mull. “We are proud to have contributed to a platform designed to make government transactions more efficient, secure transparent, and accessible.”

Bilang isang global provider ng biometric identification at digital security solutions,

nananatiling nakahanda ang DERMALOG na tumulong sa mga pamahalaan institusyon sa pagbuo ng ligtas, maaasahan, at citizen-focused na digital infrastructure. “It has been a privilege to serve the Philippines,” ani Mull.

“We hope to have further opportunities to support the Filipino people through projects that promote efficiency, integrity, services.

public safety, and trust in government services.”  (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here