Home NATIONWIDE DOT: Higit 3K travel deals alok sa bagong PH domestic tourism campaign

DOT: Higit 3K travel deals alok sa bagong PH domestic tourism campaign

1
0

MANILA, Philippines – Nag-aalok ang Department of Tourism (DOT) ng mahigit 3,000 travel deals mula sa hotels, tour operators at airlines sa kanilang bagong inilunsad na domestic tourism campaign na “Discover More to Love” sa Central Philippines Tourism Expo o CPTEx 2026.

Layon nito na hikayatin ang mga Pilipino na mag-travel sa loob ng bansa at suportahan ang maliliit na tourism enterprises kasabay ng pagpuno sa lean season mula Hulyo hanggang Nobyembre 2026.

Isinasagawa ang kampanya na nilahukan ng mga nangungunang stakeholder sa turismo kabilang ang Hotels and Marketing Association o HSMA kung saan mahigit 70 na hotel at resort ang mag-aalok ng diskwento na hanggang 70 porsyento.

Maaari ring mamili ang mga biyahero ng mahigit 250 travel deals mula sa ibat-ibang rehiyon ng bansa, kasama ang mga discounted airfare mula sa Philippine Airlines, Cebu Pacific AirAsia Philippines at Sunlight Air.

Nag-aalok din ng exclusive travel deals ang mga online travel platform tulad ng AirAsia MOVE at Klook habang may exclusive payment offers art cardholder privileges naman ang Mastecard.

Ang “Discover More to Love” ay bahagi ng Love the Philippines campaign at tugon ito ng DOT sa panawagan ng pribadong sektor para sa mas pinagtibay na promotion ng domestic tourism.

Idinisenyo ito bilang weather-resilient nationwide tourism at economic activitivation movement.

Nakatuon ang mga piniling tourism offerings sa staycations, wellness, food at nature para hikayatin ang mga Pilipino na tuklasin ang mga atraksyon sa malapit habang sinusuportahan ang lokal na negosyo at komunidad.

Ang mga alok na ito ay makukuha sa pamamagitan ng bagong pinahusay na website ng DOT na http://www.tourism.gov.ph

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, patuloy na nagpapalakas sa tourism ng Pilipinas ang domestic tourism na umabot sa P3.26 trillion ang gastos noong 2025 at 7.7 milyon ang employment sa industries sa parehong taon.

Gayundin, tumaas ng 1.2 porsyento ang internal tourism expenditure o ang kabuuang gastos sa tourism sa loob ng bansa mula P3.91 trilyon noong 2024 tungo ng P3.26 trilyon noong 2025.

Samantala, 15.7 porsyento naman ang bahagi ng employment sa lahat ng tourism industries sa kabuuang employment sa bansa noong 2025.

Nilinaw naman ni DOT Secretary Angara-Mathay na ang “Discover More to Love” ay hindi pamalit sa opisyal na tourism brand ng Pilipinas na “Love the Philippines” kundi isang complementary initiative na nagpapalakas sa pagsisikap ng Department na i-promote ang domestic travel.

Sa CPTEx 2026, nagsama-sama ang pitong rehiyon ng Central Philippines kabilang ang MIMAROPA, Bicol, Visayas, Negros Island at CALABARZON para i-showcase ang kanilang destination at produkto.

Ang CPTEx ay naging platform na para sa collaboration ng gobyerno at pribadong sektor para palakasin ang domestic tourism. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here