Home NATIONWIDE Paolo Marcoleta, Mike Defensor namataan sa White Ribbon March

Paolo Marcoleta, Mike Defensor namataan sa White Ribbon March

4
0

MANILA, Philippines – Namataan sina SAGIP Party-list Rep. Paolo Marcoleta at dating congressman Mike Defensor sa White Ribbon March sa EDSA nitong Linggo, Hunyo 28.

Ayon kay Marcoleta, siya ay tutol sa lahat ng uri ng korapsyon at ang ginawa niya umano sa naturang event ay magdala ng mga pagkain.

“Dito lang ako para mag-drop off ng food. Ayun lang naman,” ani Marcoleta.

“Siyempre lahat naman tayo ayaw sa korapsyon, di ba? Ayun lang naman. Walang political color ngayon. Basta lahat tayo kontra sa korapsyon, ayun lang naman,” dagdag pa niya.

Ang kilos-protesta ay dinaluhan ng mahigit 3,000 indibidwal na nananawagan sa gobyerno na tugunan ang iba’t ibang isyu, kabilang ang iskandalo sa mga flood control projects at impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sina Marcoleta at kanyang ama na si Senador Rodante Marcoleta ay kilalang mga ka-alyado ni Duterte.

Samantala, nakita rin si Defensor kasama ang ilang Duterte supporters na nakasuot ng kulay puti.

Isinisigaw ng grupo ang mga katagang “Duterte, Duterte” sa kabila ng tema ng rally na anti-corruption.

“As a Filipino, I will participate in its call for accountability, the fight against corruption, and good governance toward a better future for our nation,” sinabi ni Defensor.

“My participation in this gathering is not on behalf of any political organization or party, but as a Filipino who believes that our country deserves better,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here