Home NATIONWIDE 36-anyos na lalaking nalunod, nasagip ng PCG sa Palawan

36-anyos na lalaking nalunod, nasagip ng PCG sa Palawan

2
0

MANILA, Philippines – Muling nabigyan ng pangalawang buhay ang isang 36 anyos na lalaki na nalunod matapos na ma-revive ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa dalampasigan ng Purok Seaside, Barangay IV, Roxas, Palawan, nitong Hunyo 28, 2026.

Iniulat ang insidente sa PCG ng dalawang bata, kaya agad na nagtungo sa lugar ang mga rumesponde habang nakikipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO para sa ambulance support.

Pagdating sa lugar, nakitang walang malay ang biktima at agad na nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation o CPR ang mga tauhan ng PCG.

Dahil sa lifesaving intervention, nailuwa ng biktima ang nainom na tubig, nagkamalay, at bumalik ang kanyang pulso.

Isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang lunas.

Pinapakita ng matagumpay na pagliligtas ang epekto ng Intensified Community assistance, Awareness, Response, and Enforcement o iCARE Program ng PCG, na nagpapalakas sa emergency response capabilities ng mga tauhan ng PCG sa pamamagitan ng masinsinang Basic Life Support o BLS training mula sa Coast Guard Nursing Service.

Sa pagbibigay ng kasanayan sa CPR na nakaliligtas ng buhay sa mga tauhan, nagagawa ng programa na makapagbigay ang mga rumesponde ng agarang medikal na interbensyon sa oras ng emergency—kahit kailan, kahit saan—upang makatulong na makapagligtas ng buhay at mabawasan ang pagkamatay dahil sa pagkalunod at iba pang emergency incidents.

Nananatiling matatag ang PCG sa kanyang commitment na protektahan ang mga buhay sa dagat at sa mga coastal community sa pamamagitan ng paghahanda, propesyonalismo, at malasakit sa paglilingkod sa publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here