Home ENTERTAINMENT Hipag ni Echo, may panawagan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Hipag ni Echo, may panawagan!June 29, 2026 07:1730 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nawawala ang younger brother ni Jericho Rosales na si JeremiahRosales–ito ang pinanawagan ng misis nitong si Jhen Go sa kanyang Facebook post nitong June 25.Ani Jhen: “Please help us find the missing person. He was last seen in Maia Alta Subd, he was on a motorcycle.“If you have any imformation regarding his whereabouts, please contact me at 09494989581.”Ayon kay Jhen when asked how Jeremiah went missing, sinabi niyang June 20 pa noong umalis si Nuki (palayaw nito), sakay ng kanyang motor.Limang araw na daw itong hindi nakikipag-ugnayan sa kanyang mga kaanak, ni paramdam ay wala.Napag-alamang bumalik si Jeremiah sa dating bisyo.Nabarkada na naman daw uli ito, kaya madalas silang magtalo o magsagutan.Sabi pa ni Jhen: “Father’s Day gift namin sa kanya ni Kuya Echo na ipa-rehab siya. Kasi malala na ang case niya, nagsasalita mag-isa.”Ang siste, nitong June 20 ay natakasan ni Jeremiah ang staff ng rehab facility na susundo sa kanya.Nag-aalala na din ang kanilang mga anak dahil sobrang mahal siya ng mga ito.Ideal dad kung ilarawan siya ng kanyang mga anak. Ronnie Carrasco III