Home METRO Dating rebeldeng komunista sumuko sa OrMin

Dating rebeldeng komunista sumuko sa OrMin

3
0

ORIENTAL MINDORO, Philippines – Isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang sumuko sa mga awtoridad sa Oriental Mindoro noong Sabado,  Hunyo 27, ayon sa Oriental Mindoro Police Provincial Office (OMPPO).

Kinilala lamang ang dating rebelde sa alyas na “Ibara,” 60 taong gulang, isang barangay tanod at residente ng Sitio Batangasan, Barangay Dulangan II, Baco.

Ayon sa pulisya, dati siyang kabilang sa Samahang Yunit Propaganda (SYP) sa ilalim ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) na kumikilos sa Oriental at Occidental Mindoro.

Sinabi ng OMPPO na bunga ng tuloy-tuloy na pakikipagdayalogo, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno ang kanyang pagsuko.

Ayon kay Oriental Mindoro Police Director Col. Edison Revita, patunay ang mga boluntaryong pagsuko na epektibo ang mga programang pangkapayapaan at nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga dating rebelde na makapagsimulang muli.

Hinikayat din niya ang iba pang miyembro ng mga armadong grupo na sumuko, at tiniyak na handang tumulong ang pulisya at iba pang ahensya sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here