MANILA, Philippines – Dumarami ang mga Pilipinong nagpapakabit ng rooftop solar panels upang mabawasan ang mataas na singil sa kuryente.
Ayon sa ulat, ang Pilipinas ang naging pinakamalaking gumastos sa solar panels sa mundo mula nang magsimula ang kaguluhan sa Gitnang Silangan noong huling bahagi ng Pebrero.
Tumaas ng 10% ang singil sa kuryente ng Meralco, kaya umaabot na sa humigit-kumulang 12% ng buwanang kita ng isang karaniwang pamilya ang gastos sa kuryente. Isa rin ang Pilipinas sa may pinakamataas na residential electricity rates sa Southeast Asia.
Sa loob ng tatlong buwan hanggang Mayo, umabot sa $407 milyon ang inangkat na solar panels ng bansa mula sa China, o 145% na mas mataas kaysa noong nakaraang taon.
Ayon sa mga installer, mas mabilis na ngayon ang pagpapasya ng mga customer na magpakabit ng solar dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente. Tinatayang maaaring halos matriple ang distributed solar capacity ng bansa sa loob ng dalawang taon.
Gayunman, nananatiling hamon ang mataas na paunang gastos, kakulangan ng suplay, at mabagal na pag-install. May programa ang gobyerno na nagpapautang ng hanggang ₱500,000 para sa solar systems na may 5% interes, ngunit hindi ito saklaw ang mga manggagawa sa pribadong sektor. RNT/MDS