MANILA, Philippines – Nangako ang House prosecution team na maghahain sila ng matibay na ebidensya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula sa Hulyo 6.
Ayon kay House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr., nakatuon sila sa pagbuo ng “compelling case to the impeachment court and to the public backed by solid evidence.”
Nilinaw rin niya na wala silang itinutulak na pababain ang bilang ng boto na kailangan para mahatulan ang bise presidente.
Sa ilalim ng Konstitusyon, kailangan ang dalawang-katlong boto ng lahat ng 24 senador upang mahatulan ang isang na-impeach na opisyal.
Lumitaw ang usapin ng pagbaba ng threshold dahil wala sina Senador Ronald dela Rosa, na nagtatago matapos lumabas ang ICC warrant laban sa kanya, at Senador Jinggoy Estrada, na nakakulong dahil sa kasong plunder. Gayunman, sinabi ni Tolosa na handa silang ipaliwanag ang kanilang legal na posisyon kung tatalakayin ito ng impeachment court. RNT/MDS