LA GUAIRA, Venezuela – Isang mag-ama ang buhay na nailigtas noong Linggo matapos ma-trap nang apat na araw sa ilalim ng gumuhong gusali dahil sa malalakas na lindol sa Venezuela.
Nailabas sila ng mga rescue team sa La Guaira, ang lugar na pinakamalubhang naapektuhan ng lindol. Mahina na ang kanilang kalagayan kaya agad silang isinugod sa ospital.
Ayon sa mga rescuer mula sa France at Estados Unidos, inabot ng 12 oras ang maingat na operasyon gamit ang mga espesyal na search camera upang marating ang dalawa.
Nauna nang nailigtas ng parehong rescue team ang isang ina at ang kanyang 9 na buwang gulang na sanggol. Sa kabuuan, 33 katao ang nasagip noong weekend, ngunit libu-libo pa rin ang nawawala.
Umabot na sa hindi bababa sa 1,450 ang nasawi sa lindol noong Miyerkules. Ayon sa mga eksperto, malaki ang ibinababa ng tsansang makahanap ng buhay na biktima pagkalipas ng 72 oras matapos ang lindol. RNT/MDS