MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga kinatawan ng ImagineLaw, Quezon City Government, at Safer Roads PH, ang paglulunsad ng mga bagong programa sa road safety sa event na “Turning Policy into Protection for Safer QC Roads” noong Hunyo 29.
Kabilang sa inilunsad ang pagpapatupad ng Safe School Zone Ordinance, Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Road Safety Code, at ang pagbuo ng Road Safety Working Group.
Layunin ng mga hakbang na palakasin ang kaligtasan sa mga kalsada, lalo na sa paligid ng mga paaralan, at mabawasan ang mga aksidente sa Quezon City. DANNY QUERUBIN