Home TOP STORIES 13 sugatan sa M5.5 lindol sa Sichuan, China

13 sugatan sa M5.5 lindol sa Sichuan, China

1
0

SICHUAN, China – Labintatlong katao ang nasugatan matapos tumama ang magnitude 5.5 na lindol sa Gaoxian County, Yibin, Sichuan, China bandang 12:12 a.m. nitong Lunes, Hunyo 29.

Ayon sa China Earthquake Networks Center, ang lindol ay may lalim na 6 kilometro.

Agad na nagpatupad ng Level III emergency response ang earthquake relief headquarters ng Yibin.

Dinala sa ospital ang 13 sugatan na may mga minor na pinsala, habang 196 residente ang inilikas sa ligtas na lugar.

Patuloy ang relief operations, at sinabi ng mga awtoridad na nananatiling maayos ang sitwasyon sa mga apektadong lugar. Sa emergency response system ng China, ang Level I ang pinakamataas na antas ng pagtugon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here