Home METRO Bagong silang na sanggol natagpuan sa tubuhan sa NegOcc

Bagong silang na sanggol natagpuan sa tubuhan sa NegOcc

4
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Isang bagong silang na sanggol na babae ang natagpuang iniwan sa isang tubuhan sa Barangay General Luna, Sagay City, Negros Occidental noong Hunyo 28.

Ayon sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD), isang 27-anyos na babae ang nakakita sa sanggol.

Dinala agad sa ospital ang sanggol, na pinaniniwalaang wala pang 24 oras mula nang ipanganak. May nakakabit pa itong inunan (placenta) at may bigat na 3 kilo at habang 51 sentimetro.

Nasa maayos na kondisyon ang sanggol at patuloy na mino-monitor ng doktor.

Nanawagan ang mga awtoridad sa mga magulang ng bata na lumantad at makipagtulungan sa imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here