Home NATIONWIDE DOJ, wala pang komento sa panukalang pag-amyenda sa Juvenile Justice Law

DOJ, wala pang komento sa panukalang pag-amyenda sa Juvenile Justice Law

6
0

MANILA, Philippines – Tumanggi muna ang Department of Justice na magbigay ng pahayag sa mga panukalang baguhin o amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na tumatalakay sa criminal liability ng mga menor de edad.

Sumiklab ang mga panawagan para sa reporma matapos ang pamamaril na kinasangkutan ng dalawang menor de edad sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, umiiral na ang kasalukuyang batas at may nakatakda nang mga proseso para sa mga kabataang 18 taong gulang pababa na nasasangkot sa krimen.

Giit ng DOJ, nasa Kongreso ang kapangyarihan kung ituturing na kulang ang batas at kung dapat na itong amyendahan.

Matatandaang tatlong mag-aaral ang nasawi habang limang iba pa ang sugatan ng walang habas na nagpaputok ang dalawang menor de edad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here