CAVITE, Philippines – Tatlong hinihinalang tulak ang nadakip ng pulisya makaraang makuhanan ng droga at baril sa isinagawang buy bust operation sa Sito Pook, Brgy Paliparan 3 Dasmarinas City, Cavite.
Kinilala ang naaaresto na sina alyas Jessie, alyas Paulo at alyas Norman ng pawang residente sa nasabing lugar.
Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmarinas Component City Police Station sa sa lugar na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at nakuha sa kanila ang humigit kumulang 30 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P204,000.00, isang kalibre 45 na baril na nakuha mula kay alyas Jessie, isang kalibre 38 na baril mula kay alyas Norman, bala ng kalibre 45 at kalibre 38, cellphone at buy bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5(26) at 11 at 9165 ang mga inarestong suspek nasa kostudiya ngayon ng Dasmariñas City Police Station. MARGIE BAUTISTA