MANILA, Philippines – Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isasampa ngayong linggo sa Sandiganbayan ang non-bailable na kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Ayon kay Remulla, “Senator Marcoleta, it’s for resolution, we’re about to file it already.”
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y P75 milyong campaign donations, ayon sa mga state prosecutor.
Nauna nang sinabi ni Marcoleta na “legally insufficient” ang reklamong plunder at bribery na isinampa laban sa kanya. RNT/MDS