MANILA, Philippines – Umabot na sa P1.47 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura dulot ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8 na tumama sa Maasim, Sarangani at mga karatig-lugar, ayon sa NDRRMC.
Mas mataas ito kaysa sa naitalang P1.36 bilyon noong Hunyo 19. Kabilang sa mga apektadong lugar ang Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at BARMM.
Aabot na sa 1,065 imprastraktura at 97,702 bahay ang nasira. Sa mga bahay na ito, 75,098 ang bahagyang nasira at 17,604 ang tuluyang nawasak.
Nanatili naman sa 81 ang bilang ng mga nasawi, kung saan 9 ang kumpirmado, habang 1,316 ang sugatan at 31 ang nawawala.
Sa kabuuan, 391,088 pamilya o 1,677,256 katao mula sa 627 barangay ang naapektuhan ng lindol sa Regions 9, 11, 12, at BARMM. RNT/MDS