Home METRO Shooting threat sa Batangas, iniimbestigahan ng PNP

Shooting threat sa Batangas, iniimbestigahan ng PNP

3
0

BATANGAS, Philippines – Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang banta ng pag-atake sa isang pampublikong paaralan sa Batangas, na umano’y ipinadala ng isang nagpakilalang Grade 10 student na nagsabing siya ay binu-bully.

Ayon sa PNP, natanggap ang mensahe sa social media page ng paaralan noong Linggo ng gabi. Dahil dito, sinuspinde ang klase nitong Lunes bilang pag-iingat.

Nakasaad sa mensahe na babarilin o sasaksakin ang mga estudyante sa Grades 7 hanggang 10, at sinabing hindi siya kilala ng mga ito ngunit siya ay binu-bully.

Agad na nagpunta ang mga pulis sa paaralan upang beripikahin ang banta, habang ang PNP Anti-Cybercrime Group ang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Sinabi ni PNP public information chief Col. Allen Rae Co na posibleng pekeng pangalan ang ginamit sa account. Aniya, maaaring isa lamang itong copycat o pananakot, ngunit hindi nila isinasantabi na maaari itong maging tunay na banta.

Dagdag niya, lahat ng ganitong kaso ay itinuturing na seryoso at agad na inaaksyunan. Ang Department of Education (DepEd) naman ang magpapasya kung hanggang kailan mananatiling suspendido ang klase sa paaralan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here