Home HOME BANNER STORY Taas-babang galaw sa presyo ng langis, naka-umang

Taas-babang galaw sa presyo ng langis, naka-umang

3
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang halo-halong pagbabago sa presyo ng langis simula Hunyo 30, ayon sa Department of Energy (DOE).

Maaaring bumaba ng 10 sentimos o tumaas ng hanggang P1.90 kada litro ang presyo ng gasolina.

Samantala, ang diesel ay maaaring bumaba ng P1.16 kada litro o tumaas ng hanggang 84 sentimos, habang ang kerosene ay posibleng bumaba ng 78 sentimos o tumaas ng hanggang P1.22 kada litro.

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, nagpapakita ito na unti-unti nang humuhupa ang paggalaw ng presyo ng langis.

Dagdag niya, patuloy na babantayan ng DOE ang sitwasyon sa merkado at ipapaalam sa publiko ang mga susunod na pagbabago, habang umaasang patuloy pang bababa ang presyo ng langis. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here