Home TOP STORIES US-Japan military drill, kinondena ng NoKor

US-Japan military drill, kinondena ng NoKor

4
0

PYONGYANG, North Korea – Kinondena ng North Korea ang kasalukuyang joint military exercise ng Japan at United States, at tinawag itong isang “war rehearsal” o paghahanda sa digmaan.

Sa isang editoryal ng Korean Central News Agency (KCNA), sinabi ng North Korea na pinalalakas umano ng Japan ang kakayahan nitong magsagawa ng paglusob at pinalalalim ang ugnayang militar nito sa US. Binanggit din nito ang naunang Iron Fist military exercise noong Pebrero.

Inakusahan din ng KCNA ang Japan na ginagamit ang kasalukuyang sitwasyon sa mundo upang bigyang-katwiran ang pagiging isang “war nation”, at nagbabala ito ng “tragic end” kung magpapatuloy ang umano’y mapanganib na hakbang ng Tokyo.

Ang Resolute Dragon military exercise ay nagsimula noong Hunyo 20 sa Okinawa at Kyushu, Japan, at nakatakdang magtapos sa Martes. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here