Manila, Philippines – Iniintriga ng mga katikatera at sawsawera na nanganganib daw umano ang bagong host ng “It’s Showtime” na si Brent Manalo sa MTRCB.
Sa isang segment kasi ng show, natanong ng dating PBB housemate ang isang male contestant kung mahilig ba itong mag-jaks.
For context, siyempre umandar ang mayabong na imahinasyon ng netizens sa gustong tumbukin ng aktor.
Maagap namang sinalo ni Vice Ganda si Brent sa pagsasabing ‘jackstone’ ang pakahulugan ng aktor.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng mga nagmamarisol sa isyu.
“Jackstone kase. Jackstone daw! Kimmy.”
“Lagot na naman Showtime nyan.”
“Mukhang di na mare-regular as host si Brentyyy.”
“Parang mali yung pasok niya don a, awkward pakinggan.”
“Deep cut reference hahaha.”
“Pang alter na galawan, EME.”
“Mukhang may mapapatawag sa office ni Cory Vidanes. Mabuti nalang mabilis pagsalo ni VG sa jackstone.”
“Yung nanalo yung intrusive thoughts mo.
Seryoso, sana mas konting awareness pa. Live TV yan.”
“Mukhang last na ito ni brent? Or may 2nd chance pa? Haha bat kasi nag tanong ng jaks haha.”
“This is too straightforward, sis. Jaks is short for JAKOL kahit ano pang explain gawin natin. I used to watch IS frequently before and Vice is quite subtle with this so she usually gets away with this. She is that smart to walk that thin line. This, however, is not. We just need to accept that Brent has some more growing to do.”
“Lagot sa MTRCB .”
“Lala sotto is watching right now.”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Vice, Brent at MTRCB hinggil sa isyu. Archie Liao