Home HOME BANNER STORY DSWD: 15-anyos na suspek sa Tacloban school shooting, nakitaan ng ‘discernment’

DSWD: 15-anyos na suspek sa Tacloban school shooting, nakitaan ng ‘discernment’

14
0

MANILA, Philippines – Naniniwala ang mga social worker na kumilos nang may discernment o may kamalayan sa tama at mali ang 15-anyos na suspek sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, Leyte, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

“You planned it, you tried to hide it, you know the concept of right or wrong or you know the consequences,” ani Gatchalian sa isang panayam.

Gayunman, sinabi niyang hihintayin pa rin ng DSWD ang opisyal na resulta ng psychological evaluation sa 15-anyos na suspek at sa kanyang 14-anyos na kasama, na kapwa nasa kustodiya ng Regional Rehabilitation Center for Youth sa Tacloban City.

Tatlong mag-aaral na edad 14 at 15 ang nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School noong Hunyo 22.

“Nakasaad sa batas, kapag ikaw ay 15 years old plus one day hanggang sa 18 years old, meron kang criminal liability kapag may discernment ka. Ngayon kapag na-determine na may discernment ka, meron kang criminal liability na sampahan ka ng kaso,” ani Gatchalian.

Ayon pa sa kalihim, magkahiwalay na silid ang kinaroroonan ng dalawang menor de edad at hiwalay sila sa iba pang children in conflict with the law habang nagpapatuloy ang trust-building interventions ng mga social worker. Hindi rin sila pinapayagang tumanggap ng bisita o makipag-ugnayan sa kanilang mga magulang.

Sinabi rin ni Gatchalian na bukas ang DSWD sa mga pagtalakay sa mga panukalang amyenda sa Republic Act 9344 o Juvenile Justice Welfare Act, partikular sa minimum age of criminal responsibility.

“Kasi nag-iba na ‘yung mundo, nung hinubog ‘yung batas, iba na rin ngayon. Meron na rin social media, may iba’t iba nang mga aspeto pero we’re open to listening and to joining the dialogue,” aniya.

Samantala, sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na sa mga panukalang pataasin ang parusa sa mga magulang na napapabayaan ang kanilang mga anak, mahalagang tingnan ang kabuuang kalagayan ng pamilya.

“We understand na magkakaiba kasi ‘yung reason kung bakit may mga children, may mga anak na napapabayaan, na hindi naaasikaso ng kanyang mga magulang. Pwedeng poverty, pwedeng access to services, essential services, maybe ‘yung family ay dysfunctional, may mga vulnerabilities,” ani Dumlao.

“May mga certain risks na kinakaharap sila so mahalaga kasi na that we understand kung ano ‘yung programa, ano ‘yung root cause, ng problema ng isang pamilya so that we could determine, ano ‘yung specific intervention kasi magkaka-iba po sila ng kinakaharap.”

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang pag-aralan ang epekto ng ilang online platforms sa mga menor de edad.

“Maybe that is something that we really need to look into and pag aralan kung ano ‘yung mga dapat lang nilang ma-access, because there are certain platforms that are advantageous, marami silang natututunan din gamit ang internet,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here