Home NATIONWIDE 7-buwang impeachment trial ni VP Sara, ‘grabe sa haba’ – Imee

7-buwang impeachment trial ni VP Sara, ‘grabe sa haba’ – Imee

6
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Imee Marcos nitong Lunes na masyadong mahaba ang inaasahang pitong buwang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at hindi ito dapat magtagal nang ganoon.

“Grabe ang tagal naman! That is way too long,” ani Marcos sa mensahe sa mga mamamahayag.

Batay ang pitong buwang pagtataya sa paliwanag ni Senate Secretary at Impeachment Clerk of Court Renato Bantug na maaaring mangailangan ang prosecution ng hanggang 62 trial days para iharap ang kanilang ebidensya, habang tinatayang 30 trial days naman ang kakailanganin ng depensa.

Ayon kay Marcos, tiyak na maaapektuhan ng mahabang paglilitis ang gawaing lehislatibo ng Senado.

“We should follow the One-Day Examination of Witness Rule as much as possible to cut the number of trial days,” aniya.

“I don’t think the parties will be presenting 90 plus witnesses, so if we follow said rule, then we will need far less than 90 trial days,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Bantug na kung aabot sa 92 trial days ang paglilitis, ito na ang magiging pinakamahabang impeachment trial sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa kasalukuyang iskedyul, idaraos ang mga pagdinig tuwing Lunes hanggang Miyerkules alas-2 ng hapon hanggang sa linggo bago ang State of the Nation Address (SONA), habang nakalaan ang Huwebes para sa mga mosyon. Pagkatapos ng SONA, gaganapin ang mga pagdinig tuwing Martes hanggang Huwebes alas-2 ng hapon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here